^

Metro

Pekeng doktor arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Pekeng doktor arestado
Kinilala ni P/LtCol ­Harry Ruiz Lorenzo III, MPD-Jose Abad Santos Police Station 7 commander, ang suspek na si Omar Moharin, 34, binata at nakatira sa New Manila, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinosasan ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na nagpanggap umano na isang doktor at nagawang maka­pagreseta ng mga gamot sa kaniyang mga pas­yente sa pamamagitan ng online consultation, ka­makalawa  sa Quezon City.

Kinilala ni P/LtCol ­Harry Ruiz Lorenzo III, MPD-Jose Abad Santos Police Station 7 commander, ang suspek na si Omar Moharin, 34, binata at nakatira sa New Manila, Quezon City.

Inaresto si Moharin ng mga tauhan ng Tayuman Police Community Precinct-Station 7 sa isang bahay sa kanto ng Jose Abad Santos Ave. at F. Yuseco Street sa Tondo makaraan ang reklamo ni Raffy Crespo, 31, may-ari ng Star Medical Clinic sa Prudencia St., Tondo.

Ayon kay Crespo, nag-aplay sa kaniya si Moharin bilang doktor na tutugon sa online consultation ng kanilang mga pasyente sa kanilang klinika.  Tinanggap niya si Moharin makaraang makapagpakita ng lisensya bilang doktor at ilan pang dokumento at binigyan ng suweldo na P3,500 kada araw.

Ngunit nagtaka siya nang marami nang pas­yente ang nagrereklamo sa kanilang klinika dahil sa mga sablay na reseta ng gamot na ibinibigay ng suspek. Dito siya nag-imbestiga sa Professional Regulatory Commission (PRC) at nadiskubreng hindi kasama si Moharin sa nabigyan ng medical license.

Agad na nagsuplong sa MPD si Crespo na nag­resulta sa pagkakadakip sa suspek.  Nahaharap si Moharin ngayon sa mga kasong paglabag sa Republic Act  2382 (Medical Act of 1959), Article 315 (Estafa) at Article  I70 (Falsification of Document) ng Revised Penal Code.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with