^

Metro

Parak, 1 pa huli sa kidnapping at ‘hulidap’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Swak  sa kulungan ang isang pulis at isang nagpanggap na NBI agent matapos arestuhin ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa reklamong pagdukot  sa isang  lalaki na matapos arestuhin ay hinihingan ng P50,000 kapalit ng kalayaan, sa Paco, Maynila, ka­makalawa ng umaga.

Sa ulat ng MPD-Station 5, kinilala ang mga suspek  na sina P/Patrolman Wilfredo R. Mindanao, 42, na nakatalaga sa PSPG Comelec Intramuros, at ang nagapakilalang NBI agent na si Romeo D, Aday,  47, driver.

Ayon sa biktimang si Jovito Abejo, 54, dakong alas 6:00 ng umaga ng Nob. 5 nang lapitan siya ni Aday na nagpakilalang NBI agent at sinabihang hinuhuli siya dahil sa isang plastic sachet ng shabu na hawak.

Dinala umano ang biktima ng dalawang suspek sa bahay ni Pat. Mindanao at sinabihang magprodyus ng P50,000.00 kung nais niyang makalaya ng walang kaso.

Nagawa namang isuplong ng isang vendor sa mga pulis ang pangyayari kaya agad na ikinasa ang hot pursuit operation.

Naisalba ng mga tauhan ng MPD-Station 5 ang biktima na ginaguwardiyahan umano ng dalawang suspek, na kapwa naman inaresto.

Nahaharap sa ibat-ibang kaso ang mga suspect.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with