^

Metro

Pekeng granada natagpuan sa tapat ng bahay ng kongresista

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naghari ang tensyon sa harap ng bahay ni Manila 2nd District Congressman Roland “CRV” Valeriano nang makita ang isang uri ng pampasabog kahapon ng umaga sa Tondo, Manila.

Sa ulat ng Tayuman Police Community Precinct, dakong alas-8:46 ng umaga nang matagpuan ang granada malapit sa tapat ng bahay ni Valeriano sa may kanto ng Perfecto at Old Torres Sts., sa Tondo.

Nadiskubre ng garbage collector na si Rey Unting, 41, ang isang kulay asul na garbage bag na may lamang granada.

Ini-report ito sa mga opisyal sa Brgy. 157 na nakipag-ugnayan sa MPD EOD na pina­ngungunahan ni PSMS Rodel Maligon at nang eksaminin ang supot ay lumitaw na isang replika lang ang granada.

Naniniwala ang mga awtoridad na isang pananakot lamang ang motibo sa naturang pangyayari at posibleng may kulay politika ito.

Binalewala lang umano ni Valeriano ang umano’y pananakot sa kanya dahil sa malapit na ang eleksiyon.

Si Valeriano ang incumbent Congressman ng District 2 ng Maynila at kasalukuyang tumatakbo sa kanyang ikalawang termino.

vuukle comment

GRENADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with