^

Metro

‘7 Commandments’ sundin sa pagsakay sa tren - MRT-3

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
�7 Commandments� sundin sa pagsakay sa tren - MRT-3
MRT-3 commuters at North Ave. station observe the reduced physical distancing protocol by the Department of Transportation on Sept. 14, 2020.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng pamunuan ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang kanilang mga pasahero na istriktong tumalima sa ipinaiiral nilang health and safety protocols sa buong linya na tinatawag nilang ‘7 Commandments.’

Ito’y kasunod na rin nang pag-iral na kahapon, Nobyembre 4, nang pagtataas ng passenger capacity ng mga tren at ng mga public utility vehicles (PUVs) ng hanggang 70%.

“Samantala, mahigpit pa ring ipatutupad ang ‘7 Commandments’ kontra COVID-19 sa loob ng mga tren, na batay sa rekomendasyon ng mga eks­perto sa kalusugan,” paabiso pa ng MRT-3.

Nabatid na kabilang sa ‘7 Commandments’ ay ang 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain;4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at 7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distancing.

Matatandaang ang pagtataas ng kapasidad ng mga tren ay bilang tugon ng Department of Transportation (DOTr) sa pagtaas ng demand ng mga pasahero sa pampublikong transportasyon sa patuloy na pagbubukas ng mas maraming establisimyento sa ilalim ng Alert Level 3 sa Metro Manila.

Sang-ayon din ito sa mga pag-aaral na sumusuporta sa nasabing hakbang sa patuloy na pagtaas ng vaccination rate ng isang populasyon laban sa COVID-19.

Nabatid na sa kasaluku­yan, nasa 81.4% na ang fully vaccinated sa Metro Manila laban sa COVID-19.

vuukle comment

MRT 3

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with