^

Metro

Crime lab office ng MPD, nasunog

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bahagyang natupok ang ilang bahagi ng Crime Laboratory Office ng Manila Police District (MPD) sa sunog na tumama sa presinto nitong Huwebes ng umaga.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Manila, dakong alas-9:45 nang unang sumiklab ang apoy sa MPD-Crime Laboratory Office na nasa UN Avenue, Ermita, ng naturang lungsod.

Alas-10:15 na ng umaga nang tuluyang maapula ng mga rumespondeng mga bumbero ang apoy.  Walang naiulat na nasaktan sa insidente.

Nagsasagawa naman ng imbentaryo ang MPD kung ano ang mga ebidensya na nakaimbak sa tanggapan ang nahagip ng apoy.

Inaalam na rin ng mga arson investigator kung saan at ano ang sanhi ng sunog.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with