^

Metro

LRT-2, nagpatupad ng ‘Code Red’ dahil sa problema sa signaling system

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpatupad ang pamunuan ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng ‘Code Red’ kahapon ng umaga matapos na magkaroon ng problema sa kanilang sig­naling system.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Spokesperson Hernando Cabrera, dakong alas-6:00 ng umaga nang magpatupad sila ng ‘Code Red’ o pansamantalang pagtigil ng kanilang operasyon dahil sa naranasang problemang teknikal.

“Paumanhin po sa lahat ng pasahero, pansamatala pong itinigil ang operasyon ng buong LRT2 mula kaninang 6:00 ng umaga dahil sa problema ng signaling system,” tweet pa ni Cabrera.

Kaagad rin namang aniyang inayos ang problema at pagsapit ng alas-7:57 ng umaga ay naibalik na rin sa normal ang operasyon ng kanilang mga tren.

“Balik operasyon na po ang buong LRT2. Pasensiya na po at maraming salamat po sa pag-unawa,” ayon naman kay Cabrera.

Ang LRT-2 ang siyang nag-uugnay sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila at Antipolo City.

vuukle comment

LRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with