DILG: 94 lugar sa NCR, naka-granular lockdown

Authorities monitor Brgy. 177 in Caloocan City which is placed under granular lockdown due to COVID-19 cases on Sept. 6, 2021.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Nasa 94 na lugar umano sa National Capital Region (NCR) ang naka-granular lockdown hanggang nitong Miyerkules.

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, kabilang sa mga naturang lugar ay 44 lugar sa Maynila, 23 sa Marikina, 17 sa Quezon City, siyam sa Pasay, at isa sa Navotas.

“Iyong iba pong mga LGUs sa Metro Manila ay wala nang granular lockdown na currently being imposed,” pahayag pa ni Malaya, sa isang televised public brie­fing.

Una nang sinabi ni Malaya na nasa 303 lugar ang naka-granular lockdowns sa pagsisimula ng buwang ito.

Aniya pa, ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay nakapaglabas na ng may 32,375 food packs simula noong Setyembre 25 upang matulungan ang mga residente sa rehiyon na apektado ng granular lockdowns.

Ang NCR ay nasa ilalim na ng Alert Level 3 simula Oktubre 16 hanggang 31.

Show comments