Newly-overhauled LRVs ng MRT-3 na bumibiyahe, 32 na

MANILA, Philippines — Nasa 32 na ang bilang ng mga newly-overhauled light rail vehicles (LRVs) na umaarangkada ngayon sa linya ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Sa isang paabiso, sinabi ng MRT-3 na matagumpay silang nakapag-deploy ng isa pang LRV sa kanilang mainline kaya’t nadagdagan ang mga tren nila na nagsisilbi sa mga train commuters.

Nabatid na ang general overhauling ng mga bagon ng MRT-3 ay bahagi ng malawakan at kumprehensibong rehabilitasyon ng linya, sa tulong ng maintenance provider nito na Sumitomo-MHI-TESP.

Nananatili ring nasa 30% ang passenger capacity ng mga tren o katumbas ng 124 pasahero kada train car o bagon o 372 pasahero kada train set.

Upang mapanatiling ligtas ang biyahe ng mga pasahero, mahigpit din ang pagpapatupad ng “7 Commandments” kontra COVID-19.

Kabilang dito ang 1) Laging magsuot ng face mask at face shield; 2) Bawal magsalita at makipag-usap sa telepono; 3) Bawal kumain; 4) Laging panatilihin ang maayos at sapat na ventilation sa mga pampublikong transportasyon; 5) Laging magsagawa ng disinfection; 6) Bawal sumakay ang mga pasaherong mayroong sintomas ng COVID-19; at 7) Laging sundin ang panuntunan sa appropriate physical distan­cing.

Show comments