^

Metro

Water interruption ng Maynilad, sa October 29 na magsisimula

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Water interruption ng Maynilad, sa October 29 na magsisimula
Ang pagkawala ng tubig ay dulot ng gaga­wing pipe realignment sa kahabaan ng Sobriedad, Manila dulot ng flood control project ng DPWH.
The STAR / Edd Gumban, file

MANILA, Philippines — Dahil sa kahilingan ng karamihan para makapaghanda ang publiko sa pagkawala ng tubig  sa ilang lugar sa Metro Manila mula Oktubre 25 hanggang 28, iniatras ng Maynilad ang simula ng water interruption na mag-uumpisa na sa Oktubre 29, Biyernes hanggang Nob. 1, Lunes.

Ang pagkawala ng tubig ay dulot ng gaga­wing pipe realignment sa kahabaan ng Sobriedad, Manila dulot ng  flood control project ng DPWH.

Ang mga apektadong lugar ay makakaranas ng mula 25 hanggang  85 oras na walang tubig sa Las Piñas, Makati, Maynila, Parañaque, Pasay, Bacoor gayundin sa Cavite City, Imus, Kawit, No­veleta at Rosario sa lalawigan ng Cavite mula alas-11 ng umaga ng Oklt. 29 hanggang Nob.1 ng  alas-11:59 ng gabi.

Ayon sa Maynilad na sa panahon na walang  tubig sa mga apektadong lugar, maglalagay ang kompanya ng 14 na stationary water tank at 60 mobile tanker para may magamit ang mga apektadong residente.

 

vuukle comment

MAYNILAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with