^

Metro

Dolomite Beach sa Maynila, lalo pang dinagsa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Dolomite Beach sa Maynila, lalo pang dinagsa
Nabatid na alas-5:30 ng madaling araw pa lang nang buksan na sa publiko ang Dolomite Beach at isinasara ng hanggang alas-6 ng gabi.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Lalo  pang dumami ang mga namamasyal sa kontrobersyal na Manila Baywalk Dolomite Beach kumpara sa mga naunang araw na binuksan ito kaya tumulong na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) sa pagbabantay dito.

Nabatid na alas-5:30 ng madaling araw pa lang nang buksan na sa publiko ang Dolomite Beach at isinasara ng hanggang alas-6 ng gabi.

Kapansin-pansin na mas dagsa ngayon ang mga namamasyal kaysa nang­ ­unang ilagay ang Metro Manila sa Alert Level 3 kaya hindi maiwasan na hindi sumunod ang ilan sa minimum health protocols.

Bukod sa mga matatanda, may mga kasama na rin ang ilan na mga bata na pinayagan nang makabiyahe ng pamahalaan.

Nagpadala na ang mga tauhan ang MPD para tumulong sa mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pagsita sa mga namamasyal na nakakalimot sa tamang pagsusuot ng face mask, at physical distancing.

Dahil dito, nagbabala si Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na maaaring maging super spreader event ito lalo’t may banta pa rin ng COVID-19 partikular ang Delta variant.

Magtatalaga rin ang MMDA ng ilang marshals para tulungan ang DENR sa pagpapatupad ng minimum health protocols sa mga pumupunta sa dolomite beach. Nakabantay rin ang Philippine Coast Guard lalo’t bawal pa rin ang maligo sa Manila Bay hangga’t hindi pa nat atapos ang rehabilitasyon nito.

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with