25 hanggang 85 oras na water interruptions
MANILA, Philippines — May 25 hanggang 85 oras na mawawalan ng suplay ng tubig sa Las Piñas, Makati, Maynila,Parañaque, Pasay, Bacoor, gayundin sa Cavite City, Imus, Kawit, Noveleta at Rosario sa lalawigan ng Cavite mula alas-11 ng umaga ng Oktober 25 (Lunes) hanggang Okt. 28 (Huwebes) ng alas-11:59 ng gabi.
Ayon sa Maynilad Waters, ang pagkawala ng tubig ay dulot ng paglalagay ng drainage sa may kahabaan ng Cristobal Street sa Sampaloc Maynila.
Magsasagawa na rin ng leak repairs at maintenance work sa pumping station doon.
Sa panahon na walang tubig sa naturang lugar, maglalagay ang Maynilad ng 14 na stationary water tank at 60 mobile tanker para sa mga apektadong residente sa mga lugar na maapektuhan ng water interruption.
- Latest