^

Metro

PNP nangangailangan pa ng 30,000 body cameras

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP nangangailangan pa ng 30,000 body cameras
Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo ­Eleazar na aminadong isang malaking hamon sa PNP na pondohan ang karagdagan pang mga body worn cameras (BWCs) upang magamit sa police operations .
STAR / KJ Rosales, file

MANILA, Philippines — Nangangailangan ang Philippine National Police (PNP) ng karagdagan pang 30,000 body cameras upang ipamahagi sa lahat ng  mga istasyon at units ng pulisya sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni PNP Chief P/Gen. Guillermo ­Eleazar na aminadong isang malaking hamon sa PNP na pondohan ang karagdagan pang mga body worn cameras (BWCs) upang magamit sa police operations .

Ayon kay Eleazar kahapon ay tumanggap ang PNP ng 60 body worn cameras at iba pang mga kagamitan na donasyon ng Public Safety Savings Loan Association Inc (PSSLAI) na makakatulong upang palakasin ang kapabilidad sa operasyon ng puwersa ng pulisya partikular na sa anti-drug campaign.

Magsisilbi umanong mata ito ng kapulisan sa mga isinasagawang operasyon. Una nang iminungkahi ng ilang sektor na gumamit ang PNP ng BWCs sa mga operasyon matapos namang ulanin ng intriga ang giyera kontra droga sa isyu ng libong napatay na drug suspects .

Maliban sa 60 BWCs ay nagdonasyon din ang PPSLAI ng isang unit ng brand-new Toyota Innova, sampung computers, 13 printers, 11 scanners, tatlong shredders at isang photocopy machine na magagamit ng PNP.

Magugunita na ang body worn camera ay inilunsad ng PNP noong Hunyo ng taong ito kung saan nasa 2,296 piraso nito ang naipamahagi sa 171 police stations sa mga siyudad at iba pang mga tanggapan ng pulisya sa kapuluan.

“Kasabay nito ang ating matatag na paninindigan sa konsepto ng accountability kung saan mabilis ang ating aksyon sa iilan nating kasamahan na walang disiplina at umabuso sa kapangyarihan na lalo lamang nagkumbinsi sa ating mga kababayan na ang kamalian sa ating hanay ay hindi kinukunsinti at pinagtatakpan at sa halip ay agad na itinatama upang hindi na pamarisan,” ang sabi pa ni Eleazar.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with