^

Metro

Halos 2K contractual na manggagawa sa Pasig, regular na sa trabaho

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Halos 2K contractual na manggagawa sa Pasig, regular na sa trabaho
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto nasa 1,957 na ang kabuuang bilang ng mga contractual LGU (local government unit) employees na na-regularized.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Ipinagmalaki kagabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na umaabot na sa halos 2,000 contractual employees ng lungsod ang regular na sa trabaho.

Ayon kay  Sotto  nasa 1,957 na ang kabuuang bilang ng mga contractual LGU (local government unit) employees na na-regularized.

Ayon kay Sotto, kabilang dito ang 304 na contractual employees na mahigit sa 20 taon nang nagtatrabaho sa lokal na pamahalaan, 556 contractual employees na nagtatrabaho na sa lungsod ng 15 hanggang 20 taon at 1,097 na contractual employees na nagtatrabaho na sa lungsod sa loob ng 10 hanggang 15 taon.

Samantala, mayroon din namang 4,339 na Pasig LGU employees ay nabigyan ng salary increase na mula Salary Grade 1 ay naging Salary Grade 3 o mula P12,000 a month ay naging P14,000 a month na ang sahod.

Mayroon din umanong 100 mid at high-level Pasig LGU employees ang na-promote sa trabaho dahil kuwalipikado sila, anuman ang kanilang political color.

Ayon pa kay Sotto, mayroon ding 1,459 na newly-appointed na empleyado sa lungsod habang walo ang bilang ng non-Pasig residents na na-appoint dahil sa kanilang technical expertise, gaya aniya ng mga abogado at LGU finance.

Kaugnay nito, tiniyak din naman ni Sotto na tuluy-tuloy ang reporma sa lungsod patungo sa burukrasyang propesyunal at hindi lubog sa politika.

“Tuloy ang reporma. Tungo sa isang burukrasyang propesyonal at ‘di lubog sa politika. IBA NA NGAYON,” aniya pa.

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with