^

Metro

7 arestado sa mga baril at bala

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan na ng kasong illegal possession of firearms and ammunitions ang pitong lalaki na nahuli ng mga tauhan ng Sta. Cruz Police Station 3 na may bitbit na mga baril at bala makaraang lumikha ng matinding trapiko ang nakabalagbag nilang mga sasakyan sa Quiapo, Maynila nitong nakaraang Martes.

Kinilala ang mga suspek na sina Policarpio Magbanwa Jr., 48; Mark Abion, 37; Arnel Poso, 44; Alex Aniñon, 45; Marlou Sanghilan, 37; Leo­nardo Aguilar, 37; at Elmer Gawat, 38. Mga nagpakilalang driver at bodyguard ng hindi pa tinutukoy na personalidad.

Sa naantalang ulat ng Manila Police District (MPD), dakong alas-12:58 ng hapon nitong Oktubre 5 nang maaresto ng mga tauhan ng Plaza Miranda Police Community Precinct ang mga suspek.

Nagpapatrulya sina Patrolman Kristoffer Abante at Patrolman Alvan Cale nang mapansin ang apat na SUV (sports utility vehicles) na nakabalagbag  sa panulukan ng Carriedo Street at Rizal Avenue na lumilikha ng ma­tinding pagsisikip ng trapiko.

Nang maispatan na maraming sakay na lalaki ang mga sasakyan, agad na tumawag ng back-up ang dalawang pulis.  Kasama ang mga tauhan ng PNP-Highway Patrol Group, sinita ng mga pulis ang sakay ng mga SUV dahilan para matuklasan ang mga bitbit nilang mga armas.  Nabatid na pitong kalibre .45 baril, at mga magazine na may 85 bala ang nakumpiska sa kanila.

Hindi na pumalag ang mga suspek nang ipatupad ng mga pulis ang pag-aresto sa kanila.  Napag-alaman naman na walang plaka ang tatlong mga behikulo habang dalawa rito ay may sticker ng Kongreso. 

vuukle comment

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with