^

Metro

COVID-19 ward ng PGH, lumuwag na!

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 ward ng PGH, lumuwag na!
Sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario na 237 na lamang ang okupado sa kanilang 325 COVID-19 beds.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nakaluwag nang bahagya ang mga medical health workers ng Phi­lippine Ge­neral Hospital (PGH) dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 na nakaratay sa kanilang pagamutan.

Sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario na 237 na lamang ang okupado sa kanilang 325 COVID-19 beds.

Ito ay mula sa 355 pas­yente na naitala sa kanilang pagamutan noong mga nakalipas na linggo na dahilan ng pagpapahinto sa pagtanggap ng mga pas­yenteng may COVID-19.

Sa kabila naman nito, sinabi ni Del Rosario na marami pa rin silang pas­yente ngayon na malala at kritikal ang kalagayan dahil sa COVID-19 kaya’t puno pa rin ang kanilang intensive care units (ICU).

“That’s roughly about 75% occupancy. But we still have a lot of patients who are severe and critically ill, which makes our ICU beds always full,” ayon kay del Rosario.

Palagi pa rin naman umanong nakakatanggap ng mga walk-in patients ang  kanilang emergency room (ER) ngunit mas umikli na ang panahon na ipaghihintay ng mga pas­yente ng COVID-19 para mailipat sila patungo sa ward, na inaabot na lamang ng isa o dalawang araw.

Bagama’t mas nakakahinga na ngayon, hindi pa rin umano makapag-relaks ang kanilang mga healthcare workers dahil sa kailangang maibaba muna sa 200 pas­yente ang laman ng kanilang COVID center kaya umaasa sila na magtutuluy-tuloy ang pagbaba ng mga kaso sa Metro Manila.

vuukle comment

PGH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with