^

Metro

Online shop na pinapalitan ng bato ang order na cellphone ni-raid

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinalakay ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) at Manila Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) ang opisina ng isang online shop na nadiskubreng pinapalitan  ng bato ang mga parcel order na cellular phone, sa Paco, Maynila, kamaka­lawa.

Dakong alas-3 ng hapon nang lusubin ng mga tauhan ng city hall at ng MPD- Special Mayor’s Reaction team (MPD-SMaRT) ang tanggapan ng Apollo Electronics and Accessories Corp. sa ikalawang palapag ng 1120 Otis Building sa Paco. Nabatid na isang negosyanteng Chinese ang may-ari ng kompanya na hindi muna pinangalanan.

Ayon kay Police Lt.Col. Rosalino Ibay, hepe ng DID SMaRT, cellphones, gadgets at iba pang electronic items ang ibinebenta ng kompanya.

Ito ay makaraan ang sumbong ng isang impormante sa ilegal na ginagawa ng kompanya na nilalagyan ng bato ang mga parcel na dapat ay mga cellular phones ang laman na order ng mga kustomer.

Bigo ang mga pulis na madakip ang mga suspek na hinihinalang nagawang makatakas at inabutan ang mga maraming kahon na may packaging at tatak ng isang online shopping platform . Nang buksan ang mga pac­kages, may ilan na may lamang cellphone habang ang iba ay mga bato ang laman.

Nabatid rin na may pinatatakbong 35 online shops ang Apollo Electronic sa naturang online shopping platform.

Bukod sa pagpapadala ng bato, marami ring reklamo ang kanilang mga kostumer na sa halip na branded na cellphone ay mga ordinaryo o kaya naman ay clone na android phones ang kanilang ipinadadala.

Tumanggi naman si Ibay na pangalanan ang may-ari ng naturang kompanya ngunit nakatakda na silang kasuhan dahil sa mga paglabag sa Estafa in relation to Cybercrime law, paglabag sa Consumer Act of the Philippines at pag-ooperate ng negosyo na walang business at occupational permit.

vuukle comment

MANILA POLICE DISTRICT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with