^

Metro

Biktima ng domestic violence, rape sa Quezon City, tutulungan ni Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Biktima ng domestic violence, rape sa Quezon City, tutulungan ni Joy Belmonte
Sa ginanap na QC Peace and Order Council mee­ting, iniulat ni QC Police director Antonio Yarra na may 66.67% ang pagtaas ng kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC ) tulad ng rape sa unang walong buwan ng taong 2021.
Tumisu from Pixabay

MANILA, Philippines — Nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga biktima ng domestic violence at rape na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan para mabenepisyuhan ng mga programa at matulungan ang mga itong maipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Ang hakbang ay ginawa ni Belmonte nang malaman ang pagtaas ng kaso ng domestic violence at rape sa mga kababaihan sa lungsod sa panahon ng pandemic.

Sa ginanap na  QC Peace and Order Council mee­ting, iniulat ni QC Police director  Antonio Yarra na may 66.67% ang pagtaas ng kaso ng Violence Against Women and Children (VAWC ) tulad ng rape sa unang walong buwan ng taong 2021.

Binigyang diin ni Yarra na tumaas ang kaso ng pang -aabuso  sa panahon ng pandemic dahilan na rin sa ang halos lahat ng pamilya ay nasa bahay lamang.

Nais ni Mayor Belmonte na magreklamo ang mga biktima o ang kanilang mga kaanak ng mga naranasang pang-aabuso sa pamamagitan ng  QC Protection Center Hotline 122, o sa  barangay at QCPD women’s desk.

Inatasan din ni Belmonte ang QCPD, QC Protection Center, and Gender and Development office na subaybayan at agad aksiyunan ang mga ulat ng pang-aabuso.

Takdang ilunsad ng QC government at QCPD  ang isang unified information management system na mag-momonitor at magsasagawa ng imbestigasyon sa mga VAWC cases para sa kaukulang tulong sa mga nabiktima ng pang-aabuso sa hanay ng mga kababaihan.

 

 

vuukle comment

JOY BELMONTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with