Helper ginilitan ng kapitbahay, patay
MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang helper matapos gilitan ng kanyang kapitbahay makaraan ang pagtatalo, kahapon ng madaling araw sa Malabon City.
Dead-on-the spot ang biktimang si Ramil Sola, 38, ng Maya-Maya St., Brgy. Longos, Malabon habang pinaghahanap pa ang suspek na si Eric Montillano, 28, na mabilis na tumakas matapos ang insidente.
Batay sa report, dakong alas-3:30 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Maya Maya St.
Dumating ang biktima sa kanyang bahay at sapilitan nitong binuksan ang pinto na naging dahilan upang magising ang suspek na natutulog sa kabilang pinto.
Kinompronta ng suspek ang biktima na naging dahilan ng kanilang pagtatalo subalit inawat sila ng saksing si Maricel Escoto, 39.
Umalis ang biktima subalit lingid sa kanyang kaalaman ay sinundan siya ng suspek at pinagsasaksak sa leeg na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
Lumilitaw na may matagal nang alitan ang biktima at suspek.
- Latest