Freeze order sa ari-arian ng 2 suspected drug personalities, isinilbi
MANILA, Philippines — Isinilbi ng magkasanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency, Anti-Money Laundering Council (AMLC), at Bureau of Customs (BOC) kahapon ang isang freeze order sa bank at credit accounts, insurance policies, real properties, at motor vehicles ng dalawang suspected drug personalities.
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, ang 5th Division ng Court of Appeals ay nag-isyu ng resolusyon na nagpapahintulot sa inihaing Petition for the Issuance of a Freeze Order laban sa mga assets ni Julie Hao Gamboa, alyas Kimberly, at mag-asawang Ruben at Teresita Taguba.
Saklaw ng freeze order ang 173 bank at credit accounts, insurance policies, 17 properties, at limang motor vehicles ng mga suspek.
Kasunod ng pagpapalabas ng freeze order, ang mga opisyal ng PDEA, AMLC at BOC, sa pangunguna nina Villanueva at AMLC Executive Director Atty. Mel Georgie B. Racela, ay nagpaskil ng notices of freeze order sa dalawa sa real properties ng mga suspek, na may conservative market value na humigit-kumulang sa ?70 milyon sa Quezon City.
Sinabi naman ni Customs Deputy Commissioner for Intelligence Group Raniel Ramiro na ang kasong ito ay may kinalaman sa pagkasamsam sa P1.8 bilyong halaga ng shabu noong Marso 22, 2019 sa Manila International Container Port (MICP).
Nasabat ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Intelligence and Investigation Service (IIS), PDEA Regional Office-National Capital Region (RO-NCR), at BOC ang kabuuang 276 kilo ng shabu, na nakatago sa mga pakete ng tsaa at ang shipment ay mula sa Vietnam.
Si Xu Zhi Jian alyas Jacky Co, ang may-ari ng shipment na naglalaman ng ?1.8 bilyong shabu. Si Julie Hao Gamboa ay sinasabing kasabwat umano ni Jian sa 276 kilo ng shabu na naipuslit sa MICP noong Mayo 2019 at sa illegal release ng 105 containers sa Port of Manila noong 2018.
- Latest