^

Metro

Walang suot na face mask, ‘tulak’ pala

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang lalaki na sinita dahil walang suot na mga face mask ang nakuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Kinilala ni Caloocan police chief LtCol. Samuel Mina Jr, ang mga suspek na sina Richard Cenon alyas “Empoy”, 46, at Emar Villanueva, 44, pintor, kapwa ng 154, Bagong Barrio.

Ayon kay Mina, nagsagawa ng verification ang mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station sa ilalim ng pamumuno ni PLt. Julius Villafuerte hinggil sa natanggap na text message mula sa concern citizen na ipinadala sa NCRPO SMS hotline “ISUMBONG MO KAY RD!”.

Pagdating sa Consejala St., Brgy. 154, Bagong Barrio dakong alas-12:20 ng madaling araw ay nakita ng mga pulis ang dalawang nakatayong lalaki na walang suot na face mask.

Nang lapitan ng mga pulis para isyuhan ng Ordinance Violation Reciept (OVR) ay tumakbo ang mga suspek at tinangkang tumakas kaya’t hinabol sila ng mga arresting officers hanggang sa makorner at maaresto.

Nakuha sa mga ito ang 6 na sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng tinatayang 18.66 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P126,888.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with