^

Metro

Yorme nagbigay ng amnestiya sa mga traffic violators

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbigay ng amnestiya ang pamahalaang lungsod ng Maynila sa drivers ng mapribado man o pampubliko na may libu-libong pisong pagkakautang dahil sa paulit-ulit na paglabag sa batas-trapiko sa Maynila.

Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ang mga violators ay kailangan na lamang bayaran ang kanilang  first violation at hindi na kailangang mag-alala pa sa mga  penalties, interests at surcharges nito.

Idinagdag pa ng alkalde na may mga  operators na humingi ng tulong sa city government sa pamamagitan ni office of city administrator Felix Espiritu matapos na magkapatung-patong ang mga penalties sa nagawang paglabag ng kanilang mga driver.

Base sa request, sinabi ng alkalde na nakipag-usap siya kay Vice Mayor at Manila City Council Presiding Officer Honey Lacuna na lumikha ng isang city ordinance na magkakaloob ng amnestiya sa mga violators.

Ipinaliwanag ng alkalde na tali ang kanyang kamay sa mga bagay na ito dahil may mga alituntunin sa mga paglabag na sakop ng ilang batas na kailangan ng ­amyendahan.

Binigyang diin ni Moreno na ang pamahalaang lungsod ay hindi naghahabol sa mga penalties, gusto lamang ipaalam na may mga batas alituntunin na dapat na kilalanin at sundin upang magkaroon ng kaayusan sa kalye.

Ayon pa sa alkalde, ito ang pangalawang pagkakataon na nagbigay ng amnesty ang pamahalaang lungsod sa motorista at ang  deadline ay hanggang December 29, 2021.

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with