^

Metro

4 na miyembro ng ‘Akyat-bahay gang’, naaktuhan ng cellphone video, arestado

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat miyembro ng ‘Ak­yat-bahay’ ang inaresto ng mga tauhan ng Manila Police District-Theft and Robbery Section matapos matukoy na responsable sa panloloob nang makunan ng video ng kapitbahay sa  Paco, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ni Police Lt. Ramel Lucero, hepe ng Theft and Robbery Section ng Manila Police District ang mga suspek na sina Jesus Paglaluan, 45; Edgar Lim, 44;  Carmela Lim, 47  at Benjamin Ubaldo, 48.

Nag-ugat ang pag-aresto sa inihaing reklamo ng isang Elma Mendoza, 45, OFW, ng Paco, Maynila kaugnay sa pagtangay ng mga suspek ng kaniyang mga alahas at US dollars.

Nabatid na nagsagawa ng follow-up operations ang  mga tauhan ng MPD at nadakip ang mga suspect.

Nabatid na alas-6:00 ng umaga nang umuwi ang biktima sa kaniyang bahay at nadiskubreng nawawala ang mga alahas at $500 . Nang makita ang video na nakunan ng kapitbahay ay agad na humingi ng tulong sa pulisya sa pulisya.

Dito na natukoy at pinagdadampot ang mga suspect.

vuukle comment

AK­YAT-BAHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with