^

Metro

BJMP suportado ang kampanya ng PNP at PDEA vs illegal drugs

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
BJMP suportado ang kampanya ng PNP at PDEA vs illegal drugs
Ang pahayag ay gi­nawa ni BJMP Spokesperson, JCInsp Xavier Solda, kasunod ng layunin ng pamahalaan na malinis ang mga kulungan sa bansa na umano’y ginagamit ng mga sindikato sa operasyon ng ilegal na droga.
The STAR / File

MANILA, Philippines — Suportado ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang laban sa iligal na droga sa mga piitan sa bansa.

Ang pahayag ay gi­nawa ni BJMP Spokesperson, JCInsp Xavier Solda, kasunod ng layunin ng pamahalaan na malinis ang mga kulungan sa bansa na umano’y ginagamit ng mga sindikato sa operasyon ng ilegal na droga.

Ayon kay Solda, pa­tuloy ang kanilang isinasagawang ‘Oplan Greyhound’ at mas pa-iigtingin pa ito sa tu-long ng PNP at PDEA.

Matatandaang ina­min ng mga nadakip na mga drug suspects na sina Benjie Lupian, 42 at Bryan Osabel, 35 sa magkahilwalay na buy-bust operation ng PNP sa Cebu City noong Lunes ang kanilang transaksiyon sa mga bilanggo sa Cebu City Jail.

Si Lupian ay naa-resto sa Barangay Duljio Fatiba at nakuhanan ng 1,040 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P7 milyon habang  P3 milyon naman ng  shabu ang nakuha kay Osabel .

Sinabi ni Eleazar na pinaiimbestigahan na niya ang ulat dahil hindi ito ang unang pagkakataon na may naarestong drug suspek na nakikipagtransaksyon sa mga nakabilanggo.

Aniya, noong siya ang hepe ng NCRPO, nadiskubre nilang nagsasagawa pa rin ng illegal drug trade ang mga convicted drug traffickers sa New Bilibid Prisons (NBP).

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with