^

Metro

Student health profiling sa edad 12-17, sinimulan na sa Valenzuela

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

Paghahanda sa pagbabakuna

MANILA, Philippines — Bilang paghahanda sa napipintong pagba-bakuna sa mga kaba­taang nasa edad 12-17 laban sa COVID 19, ipi­nag-utos ni Valenzuela City Mayor Rex Gatcha-lian na simulan na ang Student Health Profiling.

Paliwanag ni Gat­chalian, kung ang estudyante ay nag-aaral sa public school sa lungsod, maaaring makipag-ugnayan sa class adviser o school principal para sa Student Health Profile information sheet na maaaring makuha o i-fill-out sa pamamagitan ng Google Form.

Kung nasa private school naman sa lungsod, ang Pamahalaang Lungsod ay makikipag-ugnayan sa mga private school heads, at maki-pag-ugnayan lamang sa kanila o sa class adviser ng anak para makakuha ng Student Health Profile information sheet.

Para naman sa mga estudyanteng Valenzuelano na nag-aaral sa public o private schools sa labas ng Valenzuela, dapat nilang abangan ang ilalabas na URL/website link para sa online submission ng Student Health Profile.

Ipinaalala ng Pamahalaang Lungsod na tanging mga magulang/ authorized guardian lamang ang maaaring kumuha at/o mag-fill out ng Student Health Profile information sheet; italaga ang mga tamang impormasyon ng anak at; ipasa muli ang information sheet sa guro ng anak.

Ang pagbabakuna sa mga menor-de-edad sa Valenzuela ay bukas para sa mga estudyanteng nasa Grades 6 to 12 o nasa edad 12-17 taong gulang.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with