^

Metro

Top drug personality ng NCRPO, tiklo sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang top drug personality ng NCR Police Office (NCRPO) ang naaresto ng mga elemento ng Quezon City Police District (QCPD)  sa isang  drug-bust operation sa lungsod.

Kinilala ni QCPD Director P/Brig. General Antonio Yarra ang mga naaresto na sina John Noel De Vera, alyas Wang, 19, ng Brgy. Baesa, Quezon City at Rhay Van Lumanog, alyas Van, 20, binata, ng Brgy. Bahay Toro.

Sa rekord, alas-11:15, Huwebes ng gabi nang isagawa ng mga pulis ang operasyon sa F. Bautista St., Brgy. Damayan, Quezon City.

Isang pulis ang  nagkunwaring poseur buyer ng  shabu at nang magkaabutan ay dito na dinakma ng mga pulis ang mga suspek. Nakumpiska mula sa dalawa ang 22 piraso na plastic sachet na naglalaman ng 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,0000, dalawang Zip lock plastic na may laman na 1 kilo ng marijuana na may halagang P120,000 at buy-bust money.

Ang mga suspek ay nakakulong na sa QC district detention cell na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with