^

Metro

Seminaryo sa Quezon City, pinasok na rin ng COVID-19: 1 patay

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Seminaryo sa Quezon City, pinasok na rin ng COVID-19: 1 patay
Naka-lockdown na ngayon ang Christ the King Mission Seminary na matatagpuan sa E. Rodriguez Avenue sa Quezon City matapos mahawaan ng COVID-19 ang ilang pari at empleyado ng seminaryo.
Walter Bollozos, file

MANILA, Philippines — Pinasok na rin ng CO­VID-19 ang isang seminaryo sa Quezon City kung saan isa na ang naiulat na nasawi.

Naka-lockdown na ngayon ang Christ the King Mission Seminary na matatagpuan sa  E. Rodriguez Avenue sa Quezon City matapos  mahawaan ng COVID-19 ang ilang pari at empleyado ng seminaryo.

Ayon sa Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (QCESU)  halos kalahati ng populasyon ng seminaryo ay infected ng virus.

Sinabi ni QCESU Chief Dr. Rolando Cruz, ang pasilidad na may populasyon na 59 katao, 34 dito ay nasuri na negative sa virus at ang 25 ay nag-positibo. Ang mga nagpositibo ay siyam na pari at 16 na empleyado.

Ayon sa QCESU, nitong  September 18,  labing-isa sa nagpositibo ay gumaling, 13 ay nananatiling active ang kaso at isa ang namatay sa virus. Ang namatay ay isang pari na isa sa dalawang kaso noong September 3.

Nilinaw ni Cruz na  sa Villa ng seminaryo, ang  Villa Cristo Rey at Fininman Building ang naisailalim sa Special Concern Lockdown (SCL) mula  September 18.

Sa ngayon anya ay apat ng  religious facilities ang naka- lockdown dahil sa hawaan sa virus. Ang tatlo ay  ang Stella Maris Convent (mula September 10), Religious of the Virgin Mary (September 14), at Convent of the Holy Spirit (September 15).

Nagtatakda na ang QC  government ng guidelines  hinggil sa pagkakaroon ng bentilasyon sa mga gusali at workplaces upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19 .

“We will send these guidelines to building administrators in the city so they will learn how to better retrofit their facilities and make these more resistant to virus transmission,” paha­yag ni QC Mayor Joy Belmonte.

Patuloy naman ang pagkakaloob ng  lokal na pamahalaan ng mga pangangailangan ng naturang mga pasilidad  na naka-lockdown.

vuukle comment

CO­VID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with