^

Metro

78% ng target population sa Quezon City, fully vaccinated na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
78% ng target population sa Quezon City, fully vaccinated na
Quezon City health workers are busy putting tamper-proof security seals into the vaccination cards at the city hall.
The STAR / Boy Santos

MANILA, Philippines — Nasa 78 percent na ng kabuuang target population ng Quezon City ang fully vaccinated.

Ito ay makaraang umabot na sa  2,987,968 doses ng bakuna ang naiturok ng  QCProtekTODO Vaccination Program ng QC government sa tulong ng mga healthcare workers, staff at volunteers.

Sa mahigit 2.9 million doses ng bakuna, 1,754,345 o 103.20% ang nabakunahan na ng first dose, habang 1,233,623 o 76.80% naman ang nakatanggap na ng kanilang second dose.

Sa kabuuan, 1,327,353 o 78.08% ng target adult population ang maituturing na fully-vaccinated kabilang na rito ang bilang ng mga naturukan ng single-dose vaccine na Janssen.

Samantala, nagbukas naman ng 37, 000 slots ang QC Government para sa mga hindi pa nakakakuha ng kanilang first dose.

Base sa Facebook page ng lokal na pamahalaan, maaari ng magbook online sa QC Vax Easy ang mga nais magpabakuna para makakuha ng kanilang schedule.

vuukle comment

QCPROTEKTODO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with