^

Metro

Kababaihang entrepreneur balik-hanapbuhay sa Malabon

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Maipagpapatuloy  ng mga kababaihang  entrepreneur ang kanilang  hanapbuhay matapos na magbigay ng  skills training at tulong ang  Malabon LGU bagama’t nasa ilalim ng  General Community Quarantine (GCQ) with alert levels.

Ayon kay Councilor Jose Lorenzo Oreta “Enzo” Oreta na tumatayong Chairperson of the Committee on Labor, Trade, and Industry at Chairperson din ng  Committee on Women, Family, and PWD, sa pamamagitan ng GILAS Training, balik  hanap-buhay na  ang  mga kababaihang medium and small medium enterprise MSME owner sa gitna ng pandemya.

Kailangan aniya na matiyak na may hanapbuhay at pangkabuhayan ang kanilang mga mamamayan.

“Napakalaki ng ambag ng mga women entrepreneurs sa patuloy na pag-asenso ng ating lungsod kaya ngayong humaharap sila sa mga pagsubok ay nandito tayo upang suportahan silang ituloy at makabangong muli sa kanilang mga buhay,” ani Oreta.

Malaki naman ang pasasalamat ng mga kababaihang entrepreneur sa nasabing programa at sa Malabon LGU dahil hindi sila nakalimutan ng mga  ito  sa gitna ng banta ng pandemya.

vuukle comment

GCQ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with