^

Metro

Ayudang pagkain, tiniyak ng DSWD sa mga naka-lockdown

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)  para mamahagi ng libu-libong food packs sa mga residente sa  Metro Manila na naisailalim sa granular lockdown ang kanilang lugar dahil sa epekto ng COVID- 19 .

Ayon kay DSWD Assistant Secretary Glenda Relova, 1,000 food packs  ang nakahanda na sa bawat lokalidad sa  Caloocan, La Piñas, Parañaque, Pateros, Mandaluyong, Manila, Marikina, Taguig at Valenzuela.

Sinabi ni Relova na ang bawat  apektadong pamilya ay tatanggap ng tatlong food packs  kada linggo.

Ngayong nasa alert level 4 ang Metro Manila, sinabi ni Relova na sa loob ng dalawang linggong granular lockdown, ang food packs sa unang linggo ng lockdown ay  magmumula  sa LGUs at ang  food packs sa ikalawang linggo ay magmumula sa  DSWD.

Anya, sakaling patuloy pa rin ang surge at kailangan ang ayuda o ma-extend ang implementasyon ng  granular lockdown ay  patuloy din ang pagkakaloob ng ayuda ng DSWD.

Ang DSWD ay may  P1.3 bilyong halaga ng  food packs at  non-food items para sa mga residenteng nasa granular lockdown sa NCR.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with