^

Metro

Pulis na nasasangkot sa pamamaril, dumarami

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inutos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang  pagsasagawa ng  regular gun safety training matapos na aksidenteng mabaril ng isang pulis ang kanyang kaibigan sa Tondo, Maynila ka­makailan.

Ayon kay Eleazar,  kailangan na  alam ng bawat pulis sa lahat ng oras ang pag-iingat ng kanilang mga  service firearm.

“Nagbigay na ako ng direktiba to review, i-check, siguraduhin ang regular conduct of gun safety training sa ating mga pulis para manumbalik ang pag-iingat nila sa paggamit o pagdadala ng mga baril,” ani Eleazar.

Paliwanag ni Eleazar, nakakabahala ang mga report na nasasangkot sa pamamaril ang mga  pulis. Dapat na alam ng  mga ito ang kanilang res­ponsibilidad bilang pulis at paghawak ng baril.

Matatandaang halos sunud-sunod ang  pagkakasangkot ng mga pulis sa pamamaril na kinabibilangan ng  insidente  ng pagbaril ni Staff Sgt Jonel Nuezca sa Paniqui Tarlac sa mag-inang Sonia at Anthony Gregorio; Police Master Sgt. Hensie Zinampan pagpatay kay  si Lilibeth Valdez, 52 sa Quezon City at ang  aksidenteng pagkakabaril ni Cpl. Oliver Ferrer  sa rider na si Jason Capistrano sa Tondo, Maynila noong Biyernes.

Lumilitaw na aksidenteng nabaril ni Ferrer ang kaibigan habang pinaglalaruan ang baril.

“Kahit sabihin magkaibigan, magkakila, aksidente o hindi, responsibilidad ng pulis kung anuman ang consequence ng kanyang action,” dagdag pa ni Eleazar.

Nasa kustodiya na ng MPD si Ferrer habang inihahanda ang kasong homicide.

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with