^

Metro

Libreng desludging services ng Maynilad sa 56 COVID-19 facilities

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mula nang ipatupad ang community quarantine noong Marso ng nagdaang taon, nagkapagloob na ang Maynilad ng  libreng desludging services sa 56 quarantine centers, hospitals, government checkpoints at iba pang pasilidad na may COVID patients.

Ang kompanya ay re­gular na naglilinis ng septic tanks at portable toilets ng naturang mga pasilidad nang libre upang matulungang ma­panatili ang kalinisan at maa­yos na sanitary condition doon sa pamamagitan ng tamang wastewater management  para sa mga  medical personnel at pasyente na gumagamit ng  COVID-19 centers.

Ilan sa mga pasilidad na pinagkakalooban ng libreng serbisyo ay ang Sta. Ana Hospital, Tondo Hospital, Quezon Institute, at Ca­vite City Hospital gayundin ang ibat-ibang government checkpoints at major quarantine facilities sa Parañaque, Manila, Pasay, Quezon City, at Cavite pro­vince.

Ang Maynilad ay katuwang ng pamahalaan sa pagkakaloob ng tulong para labanan ang pandemic.

Bukod sa libreng deslud­ging service sa mga CO­VID-19 facilities, nagkakaloob din ang Maynilad ng pagkain,  hygiene materials, at drink-wash stations kasama na ang libreng suplay ng tubig sa ibat-ibang quarantine centers ng pamahalaan.

Noong 2020, ang Maynilad ay nagkaloob din ng  tents at mga supplies sa mga qua­rantine facility sa University of the Philippines-Diliman at nagtayo ng  P15-million CO­VID-19 testing at laboratory center sa loob ng Delos Santos Medical Center (DLSMC) sa QC para makatulong na mapabilis ang  COVID-19 testing capacity ng pamahalaan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with