^

Metro

57 lugar sa NCR isinailalim sa granular lockdown

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
57 lugar sa NCR isinailalim sa granular lockdown
Muling nakapagsagawa ng misa sa Minor Basilica ng Black Nazarene sa Quiapo, Manila ka­hapon kung saan tanging mga fully vaccinated lamang ang pinayagan sa loob ng Simbahan sa limitadong bilang sa ilalim ng panuntunan sa pina-iiral na Alert Level 4 sa Metro Manila.
Kuha ni Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Nasa ilalim ng gra-nular lockdowns ang 57 lugar sa National Capital Region (NCR).

Ayon ito kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya,  batay sa naiulat sa tanggapan ng NCR Police Office isang araw matapos maisailalim sa alert status 4 ang Metro Manila.

Hindi naman tinu-koy ni Malaya ang mga lugar sa NCR na nasa granular lockdown.

Niliwanag din nito na ang bawat LGUs na sa NCR  ang bahalang magpatupad ng kaukulang warning at sistema kung ano ang gagawin sa kanilang lokalidad hinggil dito.

“We will leave it now to the discretion of the local government units kung sila ba ay biglang magla-lockdown lamang o magbibigay sila ng advanced warning,” dagdag ni Malaya.

Niliwanag nito na ang mga lugar na nasa ilalim ng  granular lockdown ay nasa kritikal na kundisyon hinggil sa aktibong hawaan ng COVID-19.

Anya maganda naman ang naging resulta sa unang araw nang pagpapatupad ng Alert level 4 sa Metro Manila. 

 

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with