^

Metro

Quezon City LGU, Red Cross at SM Supermalls, kapit-bisig sa pagbabakuna

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapit-bisig ang Quezon City government, Philippine Red Cross Novaliches Chapter at SM Supermalls sa pagbabaku- na sa mga taga-Quezon City.

Kahapon, pinangunahan ni QC Councilor PM Vargas, President ng Red Cross Nova­liches Proper ang pa­nga­ngasiwa sa pagbabakuna ng kanilang mga volunteer health workers katulong ang private sector sa SM Novaliches.

Ang hakbang ay isang tripartite vaccination effort para mabakunahan ang mga taga-lungsod sa mas kumbiniente at ligtas na venue.

“Malaking tulong na nagkakaisa ang public  at private entities para mas marami ang mahikayat na magpabakuna lalo na’t patuloy ang pagkalat ng Covid variants. Paraan natin ito, para matamo na natin ang population protection at manumbalik na tayo sa normal na takbo ng ating buhay sa lalong madaling panahon,”  pahayag ni Vargas.

Anya bukod sa ma­lalaking malls sa district 5 tulad ng SM Supermalls ay may ugnayan din ang kanyang tang-gapan sa mga  Homeowners Association sa distrito para magbakuna.

“Para hindi na sila lumabas pa para magpabakuna ay may pagbabakuna rin tayo sa mga subdivision dahil sa ugnayan sa mga HOA dito sa ating distrito. Mas makagagaan sa kanila na tayo ang lumalapit para mabig-yan sila ng proteksyon,” dagdag ni Vargas.

Anya umaabot na sa mahigit 5,000 indi-bidwal ang napabakunahan ng Red Cross Novaliches branch ka-tulong ang tanggapan ni QC Mayor Joy Belmonte at private sector. 

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with