^

Metro

Pasig City nagbukas ng prangkisa sa tricycle

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Iwas kolorum, korapsyon

MANILA, Philippines — Bubuksan na ng Pasig City government ang sistema ng prangkisa para sa mga tricycle sa lungsod upang matapos na ang operasyon ng mga kolorum, gayundin ang korapsiyon na kaakibat nito.

Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nilagdaan na niya ang Executive Order 70 na nagbubukas ng sistema ng prangkisa para sa mga tricycle upang maging legal na ang kanilang operasyon.

“PRANGKISA NG TRICYCLE, BUBUKSAN NA! Mga colorum at revoked na 12 years nang bumabiyahe puwede na mag-apply para maging legal na,” ayon pa sa alkalde.

Sinabi ni Sotto na dekada nang bumibiyahe ang mga naturang tricycle kaya’t marapat lamang na gawin na silang legal.

Ipinaliwanag ni Sotto na dahil sa hindi pagbubukas ng prangkisa sa mga ito ay nagkaroon na rin ng kung anu-anong korapsyon.

Inihalimbawa niya ang ilang tagaloob ng Tricycle ­Operation and Regulatory Office (TORO) na nagbebenta aniya ng pekeng prangkisa na hindi naman tinatanggap ng Land Transportation Office (LTO).

“Meron pang taga-loob ng TORO na nagbenta ng pekeng prangkisa na di tinatanggap ng LTO (“invalid”),” aniya pa.

Nabatid na nakatanggap ang alkalde ng ulat na ang mga naturang indibiduwal ay nagbebenta ng pekeng prangkisa sa halagang P150,000.

Nilinaw naman ni Sotto na ang aplikasyon at pagproseso sa prangkisa ay aabot lamang sa P420.

“Dito, P420 lang. Legal, madali, mawawala na ‘yung colorum,” aniya pa.

Binigyang-diin din naman ng alkalde na ang prangkisa ay pakikinabangan din ng mga pasahero.

“Delikado rin ‘to sa mananakay. Kunyari sumakay ka sa tricycle na colorum tapos may nangyari. Paano mo hahabulin ‘yung tricycle driver? Walang prangkisa, ‘di mo siya mahahabol,” aniya pa.

vuukle comment

TRICYCLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with