^

Metro

‘Fully vaccinated’ stickers, sa mga bahay sa Maynila, aarangkada

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�Fully vaccinated� stickers, sa mga bahay sa Maynila, aarangkada
Ito ang inihayag Manila ni Vice Mayor Honey Lacuna,sa kaniyang paghalili sa weekly capital report ni Mayor Isko Moreno, na ngayon ay nagpapagaling pa matapos tamaan ng COVID-19.
AFP / Nelson Almeida

MANILA, Philippines — Lalagyan ng stickers na ‘fully vaccinated’ ang bawat bahay sa Maynila na pawang nakakumpleto na ng COVID-19 vaccines ang mga miyembro ng pamilya.

Ito ang inihayag Manila ni Vice Mayor Honey Lacuna,sa kaniyang paghalili sa weekly capital report ni Mayor Isko Moreno, na ngayon ay nagpapagaling pa matapos tamaan ng COVID-19.

Aniya, naisip ng kaniyang kapatid na si Lei Lacuna, ang pangulo ng Liga ng mga Barangay, na isang paraan din ng paghikayat sa mga residente na magpabakuna, ang paglalagay ng nasabing sticker.

Nakalagay sa stickers ang barangay at zone number ng bahay kung saan ang lahat ng nakatira dito ay fully vaccinated na.

Ibinahagi rin ni Lacuna ang sariling karanasan bilang isang COVID survivor at sinabing mabilis silang gumaling ni Moreno at hindi nauwi sa pagiging  severe o kritikal ang kondisyon nang sila ay mahawahan ng COVID-19 at ito ay dahil sila ay ‘fully vaccinated›.

“Hindi po kami umabot sa severe and critical case…agaran po kaming gumaling dahil naagapan po ‘yung mas malala na­ming kondisyon. ‘Yun ang kagandahan ng pagkakaroon ng kumpletong bakuna kaya again and again and again, lahat po ay hinihikayat namin, bagama’t alam naming may partikular kayong brand preference, ang sabi nga ni Yorme, ang pinakamabisang bakuna ay ang bakunang nasa braso ninyo.  Karapatan n’yong mamili pero ‘pag me pagkakataon,  kahit anong bakuna, ‘wag na patagalin. Please grab the opportunity,” dagdag pa niya.

Ipinaliwanag din ni Lacuna na dahil hindi pa pinapayagan ang mga menor-de-edad na makatanggap ng bakuna ay dapat na maging responsable ang mga nakatatanda na pangalagaan ang mga nakababatang miyembro ng pamilya na huwag mahawahan ng COVID dahil walang bakuna ang mga ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with