4 na iligal na nagbebenta ng pharmaceutical products, huli
MANILA, Philippines — Apat katao na iligal na nagbebenta ng mga pharmaceutical products ang dinakip ng mga tauhan Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa isinagawang police operations sa Quezon City, Parañaque at Quezon Province.
Ayon kay CIDG Director MGen. Albert Ignatius Ferro, sina Sunny Firmeza Jr, 36; Rhona Marie Castillo, 30; Junesca Capuno, 34 at Arlene Solina, 30 ay naaresto sa ikinasang buy-bust operation kung saan nakumpiska sa kanila ang iba’t ibang pharmaceutical products na nagkakahalaga ng P218,739.000.
Kabilang dito ang 66 bote ng Ivermectin 15mg tablets; 91 piraso ng Amoxicillin Axmel 500mg; 33 piraso ng Amoxicillin Trihydrate Vhellox 500mg; 15 piraso ng Amoxicillin Trihydrate at Axmel; at15 piraso ng Cefalexin Exel 500mg.
- Latest