^

Metro

Babae biglang napaanak sa COVID-19 vaccination facility sa Makati

Philstar.com
Babae biglang napaanak sa COVID-19 vaccination facility sa Makati
Makikita sa larawan ang pagpapaanak ng MMDA COVID-19 vaccination team sa isang 26-anyos na nanay sa Lungsod ng Makati, ika-23 ng Agosto
Mula sa Facebook page ng MMDA

MANILA, Philippines — Isang nanay ang napaluwal ng kanyang sanggol nitong linggo sa Lungsod ng Makati — hindi sa ospital o kumadrona, pero sa isang COVID-19 vaccination facility.

Lunes ng 5:27 p.m. nang kumatok ang tatay ng bata sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Vaccination Facility sa Makati para humingi ng tulong matapos tanggihan ng lying-in-clinic malapit sa Guadalupe Church dahil sa hindi ito operational.

Tumulong na tuloy ang mga miyembro ng MMDA vaccination team para ipanganak ang baby at napahanda ng gawa-gawang delivery table habang inaantay ang ambulansya. 

Matapos ang 14 minuto, napanganak ang 26-anyos na nanay sa isang malusog na batang babae matapos ang normal delivery.

"I commend the members of our vaccination team who responded to the appeal of this couple to help them and went beyond their call of duty," ani MMDA chair Benhur Abalos, Martes.

"In these trying times, we are very much grateful for all the work done by our frontliners and vaccination team. They don’t just vaccinate but they are also ready and willing to help those who need immediate medical attention."

 

 

Inendorso naman ang mag-ina sa malapit na pagamutan matapos para sa karagdagang pangangalaga. Pareho namang nasa maayos na kalagayan ang dalawa sa ngayon.

Bago nagtungo sa MMDA headquarters ang tatay, na isang tricycle driver, at kanyang parter, sinubukan muna nilang pumunta sa barangay hall ng Guadalupe Nuevo ngunit pinag-antay pa kung kaya't sinubukang humingi ng tulong sa bakunahan.

Karamihan sa mga tumulong sa pagpapaanak sa nanay ay galing mula sa MMDA Road Emergency Group. "I appreciate all your hard work and sacrifices. You are indeed the true heroes in this pandemic," ani Abalos kahapon. — James Relativo

vuukle comment

COVID-19 VACCINATION

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PREGNANCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with