^

Metro

Bangkay ng babae at lalaki, magkasunod na natagpuan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magkasunod  na natagpuan ang mga bangkay ng isang lalaki at isang babae na parehong hinihinalang biktima ng ‘summary execution’, kahapon ng madaling araw sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang unang madiskubre ang bangkay ng isang lalaki ng nakatalagang security guard sa may Manila North Harbour.

Nakabalot ng packaging tape ang mukha, nakatali ang mga kamay, nakasuot ng jacket na brown at dilaw na shorts at tadtad ng saksak ang katawan ng biktima.  Isinugod pa ito ng mga guwardiya sa Tondo General Hospital ngunit idineklara na ring patay.

Dakong alas-7 ng umaga nang matagpuan naman ang bangkay ng isang babae sa ibabaw ng chassis ng isang trailer sa loob din ng North Harbour.

Nakasuot ang biktima ng dilaw na damit at tulad ng unang bangkay ay nakabalot din ang ulo at kamay ng packaging tape at puno ng saksak ang katawan.

Dahil dito, hinihinala ng mga pulis na iisang grupo lang ang may kagagawan ng pamamaslang.  Blangko pa naman sila sa pagkakakilanlan sa mga nasawi at sa motibo ng pamamaslang.

vuukle comment

MANILA POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with