^

Metro

3 Koreano timbog sa online illegal gambling

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong Koreano  sa lalawigan ng Pampanga na nagtayo at nag-ooperate ng online illegal gambling at human trafficking.

Dinakip ng mga tauhan ng BI-Fugitive Search Unit (FSU) sa may Timog Park Subd., Angeles City nitong Hulyo 21 ang mga supek na sina Kim Dong Heon, 31; Lee Jongdae, 38; at Sun Dong Ho, 39.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, pinag­hahanap ng mga awtoridad sa Seoul, South Korea sina Lee at Sun dahil sa operasyon ng online gambling business habang kasabwat nila si Kim.

Nagtungo sa Pilipinas ang tatlo para magtago sa batas at dito nagpatuloy ng ilegal na operasyon. Nabatid na sangkot din si Sun sa ‘sexual exploitation’ at prostitusyon sa pag-ooperate ng human trafficking websites noong 2014 at nag-aalok ng mga Pinay sa mga Koreanong kostumer.

Nakaditine na ngayon ang tatlong sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang naghihintay ng pagpapalabas ng deportation order para sa kanila. Ilalagay rin sila sa blacklist para hindi na makabalik sa bansa sa oras na mapa-deport sila.

vuukle comment

BI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with