^

Metro

2 babaeng ‘tulak’ tiklo sa P340K shabu

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga pulis ang dalawang babaeng drug suspects matapos na mahulihan ng P340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa Brgy. Greater Fairview, Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ni PLTCOL Florian Reynado, Station Commander ng Fairview Police Station 5 (PS 5) ng Quezon City Police District (QCPD), ang mga naarestong suspek na sina Danniza Federizo alyas “Ate,” 30, ng 24 F. Carlos St., Royal Road, Baesa, Quezon City at Aileen Velante, 43, ng 47, Lincoln St., SFDM, Quezon City.

Batay sa ulat ng QCPD, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maaresto ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 5 ang mga suspek sa isang buy-bust operation sa Commonwealth Avenue, kanto ng Camaro St., sa Brgy. Greater Fairview.

Nakatanggap umano ng tip ang pulisya mula sa isang confidential informant hinggil sa ilegal na aktibidad ng mga suspek kaya’t kaagad na nagkasa ng operasyon laban sa kanila. Isang undercover cop ang umaktong poseur buyer at nang makabili ng P8,000 halaga ng shabu ay kaagad nang inaresto ang mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang buy-bust money, 10 sachets ng hinihinalang shabu na nasa 50 gramo ang timbang at nagkakahalaga ng P340,000, at ang cellular phone na ginagamit ng mga ito sa kanilang drug transaction.

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with