^

Metro

Vico Sotto, tatakbo uli sa pagka-mayor sa 2022 elections

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatakbong muli para sa reelection sa 2022 elections si Pasig City Mayor Vico Sotto.

“Definitely,” ang tugon pa ni Sotto, sa isang panayam, nang matanong kung may plano pa ba siyang tumakbong muli sa pagka-alkalde sa susunod na halalan.

Ayon kay Sotto, marami nang nagawa ang kanyang administrasyon para sa mga residente ng lungsod, partikular na ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.

Gayunman, aminado siyang limitado ito dahil na rin sa pandemya.

“We’ve made a lot of gains pero sa totoo lang limited ang nagawa namin dahil sa pan­demya,” anang alkalde.

Napagtanto aniya niya sa kanyang katatapos na State of the City Address (SOCA) na ang karamihan sa kanyang termino ay naubos sa pagtugon sa pandemya.

Sa dalawang taon aniya niyang pagiging ­alkalde ay siyam na buwan lamang ang walang pandemya.

“Kumbaga we had nine months to clean things up. Grabe yung pinagdaraanan namin dito,” aniya pa.

 

vuukle comment

VICO SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with