Population protection sa NCR posible sa Setyembre – OCTA
MANILA, Philippines — Posibleng makopo ng National Capital Region (NCR) ang population protection sa Setyembre kung ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagprayoridad sa NCR Plus 8 areas sa COVID-19 vaccination program.
Ito ang pahayag ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research team kaugnay ng programa sa pagbabakuna ng pamahalaan sa NCR.
“Kung tutuloy-tuloy itong NCR Plus 8, ang projection namin is by September, October maaabot na natin ‘yung sinasabi nating population protection dito sa National Capital Region, NCR Plus,” sabi ni Rye.
Una nang giniit ng OCTA sa pamahalaan na ipagpatuloy ang pagprayoridad sa NCR Plus 8 sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines bagamat limitado ngayon ang suplay
Ang NCR Plus 8 ay kabibilangan ng Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite, Laguna, Pampanga, Metro Cebu, at Metro Davao .
- Latest