^

Metro

Trader na nagwala at nadakip matapos ang 2 oras na habulan, isasalang sa drug test

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Trader na nagwala at nadakip matapos ang 2 oras na habulan, isasalang sa drug test
Ayon kay QCPD P/Brig Gen. Antonio Yarra, ang suspek na si Arvin Chua Tan, 46, ng New Manila, Quezon City, ay posibleng maharap din sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 matapos na makuhanan ng isang nakabukas na plastic sachet at may puting pulbos na hinihinalang shabu at plastic strip sa loob ng kanyang behikulo.
Boy Santos and Edd Gumban

MANILA, Philippines — Isasailalim ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD)  sa drug test ang trader na hindi nagbayad ng hotel bills at naaresto ng mga pulis matapos ang halos dalawang oras na habulan na nagsimula sa Quezon City hanggang Maynila, matapos na makumpiskahan ng hinihinalang shabu sa loob ng kanyang sasakyan.

Ayon kay QCPD P/Brig Gen. Antonio Yarra, ang suspek na si Arvin Chua Tan, 46, ng  New Manila, Quezon City, ay posibleng maharap din sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002 matapos na makuhanan ng isang nakabukas na plastic sachet at may puting pulbos na hinihinalang shabu  at plastic strip sa loob ng kanyang behikulo.

Isasailalim din aniya ang suspek sa drug tests upang matukoy kung nasa impluwensiya ito ng ilegal na droga nang maganap ang insidente.

Nauna rito, Lunes ng gabi nang mag-check-in umano si Tan sa isang hotel sa Timog Avenue, Brgy. South Triangle, QC at nagpalipas doon ng magdamag.

Kinabukasan, nag-checkout ang suspek ngunit tumangging magbayad ng bill at sa halip ay nanghihingi pa umano ng P20,000 kaya’t nakasagutan nito ang hotel staff.

Nagwala rin umano si Tan kaya’t napilitan na ang mga tauhan ng hotel na tumawag ng mga pulis.

Pagdating ng mga pulis, sumakay si Tan ng kanyang itim na BMW at tumakas. Sa kanyang pagtakas, binangga pa nito ang mobile car ng QCPD at isang motorsiklo, gayundin ang iba pang mga sasakyang nadaraanan nito nang habulin siya ng mga pulis.

Naaresto rin naman ang suspek nang makorner ng mga pulis sa Claro M. Recto Avenue sa Maynila.

Patung-patong na kaso ang kinakaharap nito. Matatandaang una na ring nasangkot si Tan sa kaso ng pagwawala sa Maynila kung saan sinasabing mayroon umano itong mental condition. 

vuukle comment

QCPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with