‘Bakuna Nights’ lumarga sa Taguig
MANILA, Philippines — Nag-umpisa na sa Taguig City ang panggabing bakunahan na tinaguriang “Bakuna Nights” ng lokal na pamahalaan na layong mabakunahan ang mga manggagawa na gabi na nakakauwi ng kanilang tahanan.
“As part of the safe, fast, and accessible vaccination in Taguig, the City Government of Taguig will launch Taguig Bakuna Nights. The extended hours aims to accommodate workers who are unable to visit vaccination sites during office hours,” ayon sa Taguig Public Information Office.
Dakong alas-6 nitong Miyerkules ng gabi nang inumpisahan ang ‘Bakuna Nights’ sa Taguig BGC High Street Mega Vaccination Hub sa Brgy. Fort Bonifacio. Magtatagal ang bakunahan hanggang alas-12 ng hatinggabi.
Ayon sa lokal na pamahalaan, unang isasalang ang mga pasok manggagawa na nagtatrabaho sa ‘events and entertainment industry’ katulad ng mga artista, musikero, mga nagtatrabaho sa cafes, restaurants, hotels at mga self-employed artists na kabilang sa A4 category (essential workers).
- Latest