^

Metro

Source ng COVID-19 vaccine na iligal na ibinenta, inaalam na ng FDA

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Source ng COVID-19 vaccine na iligal na ibinenta, inaalam na ng FDA
Tiniyak ni FDA Director General Eric Domingo na mati-trace nila sa pamamagitan ng batch codes ang source o kung nanggaling sa suplay ng gobyerno o ipinuslit papasok ng bansa na hindi dumaan sa tamang proseso.
DOH Facebook Photo

MANILA, Philippines — Nagsisimula nang busisiin ng Food and Drug Administration (FDA) ang lot o batch numbers ng COVID-19 vaccines na nasamsam ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa tatlo kataong sangkot sa iligal na pagbebenta nito ka­makailan, sa Quezon City.

Tiniyak ni FDA Director General Eric Domingo na mati-trace nila sa pamamagitan ng batch codes ang source o kung nanggaling sa suplay ng gobyerno o ipinuslit papasok ng bansa na hindi dumaan sa tamang proseso.

“Nakarecord po ‘yan at kung sa’n nadistribute kailangan matukoy kung ipinasok ng hindi naka-register sa gobyerno o ito’y galing sa supplies ng gobyerno na ipinuslit,” ani Domingo  sa panayam ng DobolB.

Nakaka-alarma aniya, ito dahil kung nakalaan ito sa pagbabakuna ng gobyerno ay maapektuhan ang recepients na dapat makatanggap nito.

“Kung galing sa supplies natin ibig sabihin nababawasan yung supplies na nakaallot sa mga taong nababakunahan. Ibig sabihin nada-divert,” aniya pa.

Hindi aniya maaa­ring ibenta ang lahat ng bakuna na bahagi ng immunization program ng gobyerno na nabigyan lang ng emergency use authorization upang ma­ging legal ang paggamit.

Maghaharap ng kaukulang kaso ang FDA sa mapapatunayang mga sangkot at nasa likod ng iligal na pagbebenta ng COVID-19 vaccines, sa pakikipag-ugnayan din nila sa NBI, kabilang ang paglabag sa Food and Drug Administration Act.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with