^

Metro

‘One-strike policy’ vs iregularidad ipapatupad sa Maynila

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
�One-strike policy� vs iregularidad ipapatupad sa Maynila
Ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno ay kaugnay sa umiiral sa lungsod ang ‘one-strike policy’ matapos ang naging insidente ng pagka-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang registered nurse ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Cen­ter (GABMMC) na sangkot sa pagbebenta ng 300 vials ng Sinovac na nagkakahalaga ng P1-milyon, sa Quezon City kamakailan.
AFP/Lillian Suwanrumpha

MANILA, Philippines — Walang sasantuhin si Manila Mayor Isko Moreno pagdating sa mga masasangkot sa iregularidad at ilegal na aktibidad.

Ang pahayag ni Moreno ay kaugnay sa umiiral sa lungsod ang ‘one-strike policy’  matapos ang naging insidente ng pagka-aresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang registered nurse ng Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Cen­ter (GABMMC) na sangkot sa pagbebenta ng 300 vials ng Sinovac na nagkakahalaga ng P1-milyon,  sa Quezon City kamakailan.

Aniya, may direktiba siya kay Dr. Ted Martin, direktor GABMMC na suspendihin at sampahan ng kasong administratibo ang nurse  na si Alexis Franmcisco De Guzman.

Isa pang isyu rito ang pagkakasangkot ng traffic enforcer na si Oliver Fernandez na nag-viral din ang kuha ng video na nangotong sa truck driver sa pamamagitan ng ‘cashless’ o pagpadeposito sa kaniyang e-wallet ng P2,000 mula sa employer.

Nalulungkot man ang alkalde sa pagkakasibak ng dalawang empleyado ng lungsod ay sinabi naman niya na, sa bawat basket ng kamatis ay laging may isang bulok na kailangang alisin upang hindi mahawa sa pagkabulok ang natitirang iba pa na matino at dapat ding malaman ng mga kawani na walang puwang ang lungsod sa mga maanomalyang gawain.

“Kung saan nakuha ang mga bakunang binebenta, ‘di pa alam but one thing for sure, hindi atin ‘yung mga bakuna as per report of Dr. Ed Santos,” ani Moreno.

Nanawagan din si Moreno sa publiko lalo na sa mga netizens, na ipaalam agad sa pamahalaang lungsod kapag may nalaman silang nagbebenta ng  COVID vaccines sa lungsod upang kaagad itong maaksiyunan at mapanagot ang mga taong nasa likod nito.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with