^

Metro

Manila LGU nanindigang hindi sa kanila galing ang ibinebentang bakuna

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Manila LGU nanindigang hindi sa kanila galing ang ibinebentang bakuna
Iginiit ni MHD chief Dr. Arnold Pangan na bantay-sarado ang dala­wa nilang storage faci­lities at bilang lahat ng bakuna na nakaimbak sa mga ito. Nasa loob ng Sta. Ana Hospital ng isa nilang storage facili­ty habang nasa Parañaque naman ang isa pa kung saan iniimbak ang mga Sinovac vaccines.
AFP/Erika Santelices

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Ma­nila Health Department (MHD) kahapon na hindi galing sa ka­nilang ‘cold-storage facilities’ ang COVID-19 va­c­cines na ibinibenta ng sindikatong nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI).

Iginiit ni MHD chief Dr. Arnold Pangan na bantay-sarado ang dala­wa nilang storage faci­lities at bilang lahat ng bakuna na nakaimbak sa mga ito. Nasa loob ng Sta. Ana Hospital ng isa nilang storage facili­ty habang nasa Parañaque naman ang isa pa kung saan iniimbak ang mga Sinovac vaccines.

Sinabi naman ni Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) na hindi kasama sa ‘vaccinating team’ ang nurse nilang si Alexis De Guzman, kasama sa mga suspek na nadakip. May 15 taon na umano siyang nagsisilbi sa pagamutan ngunit kasalukuyang nakatalaga sa Operating Room (OR).

May mga impormas­yon naman na negos­yante ang misis ni De Guzman at matagal nang nagbebenta ng mga anti-flu at anti-pneu­monia vaccines.

Samantala, ikina­lungot ng isang opis­yal ng Department of Health (DOH) ang kumpirmasyon na may nagaganap na pagbebenta ng bakuna na sangkot pa ang isang nurse makaraang madakip ang mga suspek sa isinagawang entrapmet operation noong nakaraang Huwebes.

“Bakit kailangan magkaroon ng ganitong pagkakataon na people are taking advantage of what we have right now?” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nadakip ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) sa may Amoranto, Quezon City ang mga suspek na sina Kour Singh, Calvin Roca, at Alexis de Guzman, isang nurse sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Maynila.

Pinaalalahanan ni Vergeire ang publiko na huwag bibili ng bakuna sa labas dahil tanging ang gobyerno lamang ang pinanggagalingan sa ngayon ng COVID-19 vaccines na makukuha naman ng libre kung magpaparehistro na  ang mga kuwalipikadong mamamayan.

vuukle comment

NBI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with