9 nasagip sa human trafficking sa Caloocan
MANILA, Philippines — Nailigtas ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang siyam na kababaihan na kinabibilangan ng walong menor-de-edad sa isang entrapment at rescue operations kontra sa online sexual exploitation at human trafficking sa Caloocan City.
Ayon kay District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Col. Jay Dimaandal, ang operation ay nagmula sa impormasyon na natanggap ni P/Lt. Melito Pabon hinggil sa umano’y laganap na online sexual exploitation ng mga menor-de-edad sa North Caloocan.
Matapos mapatuna-yan ang ulat, kaagad isi-nagawa ng DSOU, NPD Women and Children’s Protection Desk (WCPD) sa pamumuno ni P/Maj. Vicky Tamayo, Sub-Station 9 comman-der P/Maj. Ha-rold Melgar, team mula sa Department of Justice-Inter-Agency Council Against Traffi-cking (DOJ-IACAT) at City Social Welfare and Development ang rescue operation saCongress Village Taas, Brgy. 173 dakong alas-6 ng gabi.
Nagawang marescue ang walong kabataang babae na edad 12 hanggang 17 at isang 18-anyos na dalaga na ginagamit umanong sexually exploitation sa pamamagitan online.
Naaresto rin ng mga pulis ang mga hinihinalang mga bugaw na kinila-lang si John Mico Atendi-do, 21, Chris Jayson Magbanua, 18 at isang 17-anyos na binatilyo.
- Latest