^

Metro

400K Sinovac vaccine na binili ng Maynila dumating na

Pilipino Star Ngayon
400K Sinovac vaccine na binili ng Maynila dumating na
Lumalabas na kauna-unahan ang lungsod, hindi lang sa Pilipinas, kungdi sa buong mundo, na nakabili na ng sariling set of vaccines.
AFP/Lillian Suwanrumpha

MANILA, Philippines — Sinalubong kahapon nina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna ang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng 400,000 doses  ng bakuna mula sa Sinovac  na binili ng lokal na pamahalaan.

Lumalabas na kauna-unahan ang lungsod, hindi  lang sa Pilipinas, kungdi sa buong mundo, na nakabili na ng sariling set of vaccines.

Kasama rin ni Moreno sina  Manila City Council Majority Floorleader Atty. Joel Chua, assistant secretary to the mayor Letlet Zarcal at Manila Health Department chief Dr. Arnold ‘Poks’ Pangan,  na sumaksi sa pagdating sa inorder na P298.5 milyong halaga ng vaccines.

Ani Moreno, regalo ito sa mga Manilenyo kasabay ng pagdiriwang ng ika-450  founding anniversary ng  ‘Araw ng Maynila’ .

Nabatid na alas-7:00 ng umaga ng Huwebes nang dumating ang Sinovac vaccines sakay ng  Cebu Pacific flight fl 5J-671 sa  Bay 49 ng NAIA Terminal 2.

Kasabay nito, isa pang regalo ng LGU sa Mani­lenyo ang inagurasyon ng Manila COVID-19 Field Hospital.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with