^

Metro

Mas mahigpit na quarantine checkpoints vs Delta variant, iniutos

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Mas mahigpit na quarantine checkpoints vs Delta variant, iniutos
Naglabas ng abiso ang DOH na kailangang higpitan ang pagpapatupad ng border control checkpoints para pigilan ang pagpasok ng mga bagong kaso ng variant sa bansa at pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Pinahihigpitan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang mga quarantine checkpoints bunsod ng bagong COVID-19 variant sa bansa.

Ayon kay Eleazar, tuluy-tuloy ang pagpapatupad ng mga protocol na inilatag ng national government bilang tugon sa banta ng COVID-19.

Naglabas ng  abiso ang DOH na  kailangang higpitan ang pagpapatupad ng border control checkpoints para pigilan ang pagpasok ng mga bagong kaso ng variant sa bansa at pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Apela ni  Eleazar, hindi lang mga pulis, kundi lahat ng mamayan ay may papel na dapat gampanan para mapigilan ang pagkalat ng variant na ito.

Sa panig aniya ng PNP, makakaasa ang mga mamamayan na patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa mga Quarantine Control Points, lalo na sa mga lugar kung saan may mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Hinimok naman ni Eleazar ang publiko na bukod sa pagpapabakuna, magkaroon ng disiplina sa pagsunod sa mga health protocols na inilatag ng IATF.

Binigyang-diin ni ­Eleazar na matagal na itong panawagan ni DILG Sec. Eduardo Año na magkaroon ng kusa ang ating mga kababayan na sumunod sa panuntunan ng IATF upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 virus.

vuukle comment

COVID-19 VARIANT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with